Ang pasakit ay kailanma’y hindi sukatan ng ating dangal.
Ang Dekunstrukt: Talaghay ay naglalayong bigyang-konteksto ang tibay ng loob, alab ng puso, paghihirap, kagitingan,
at pagpupunyagi—mga salitang madalas gawing sandigan ng mga Pilipino upang makayanan ang mga pang-araw-araw na pagsubok.
Sa halip na gawing katuwiran ang pagpupunyagi, tinatanong ng isyung ito kung bakit kinakailangang maging matatag
at kung hanggang kailan mananatili ang pagdurusa bilang kapalit ng kaayusan.
Maaaring magsumite ng mga litrato na naaayon sa tema ng Dekunstrukt: Talaghay. Hinahamon ng isyung ito ang paniniwalang sapat ang lakas ng loob bilang tugon sa isang problemang ang ugat ay sistemiko at patuloy na iniiwasang harapin. Ito’y pwedeng kamakailan lamang kinuha o galing sa iyong archive. Tinatanggap din ang conceptual, street photography, o photojournalism, at iba pang kategorya.